Kanina lang pinanood namin yung buong 12 round na laban ni Pacquiao. Napanood ni Papa live yun (Pay per View) nirecord pa talaga niya yun sa Sky+ Box namin (as in kaya siya bumili ng ganong box para magrecord ng mga laban ng boxing at UFC) kaya napanood namin yung laban pag uwi namin ng sister ko galing church.
Maganda yung laban…
Una,
Kasi ngayon lang ako nakakita ng ganong klaseng bagsak ng isang boxer during the fight (Round 3) as in crusifix style yung bagsak nya! Sa cartoons ko lang nakikita yun eh!
Pangalawa,
Sa lahat ng mga nakalaban ni Pacquiao ito ang nahirapan siyang talunin, as in one point lang ang lamang nya sa kalaban nya!
Pangatlo,
Ngayon ko lang nakitang nagulat si Pacquiao nung manalo siya. Talagang gulat na gulat siya, parang sinasabi nung mukha nyang ‘Ow yis! Di pa tapus ang karir ku!’
Pangapat,
Buti nga napahiya yung mga mexicano! IN YO FACE! Kala nila nanalo na sila, kinargakarga pa nila yung boksingero nila bago sabihin yung panalo. Bhelat! Ang yayabang nyo kasi eh!
at ang Panglima,
Sa wakas humihina narin si Pacquiao, kala mo kasi forever siyang malakas eh. Dahan-dahan na nating makikita ang paglubog ng boxing career nya habang padami ng padami ang kanyang mga sitcoms, movies at Manny Pacquiao action figures.
Natutuwa ako kapag nanonood ng mga laban ni Manny dahil exciting at puno ng action. Kinalakihan ko na kasi ang pagnood ng mga boxing match sa TV dahil avid fan ng boxing ang tatay ko, not to mention na dati siyang amateur boxer na studyante ni Elorde. Sa lahat ng mga pinapanood ni Papa na mga boxing match kay Pacquiao lang talaga ako nanood ng hindi nabored. As in inis na inis pa ako dati nun tuwing linggo kasi lagi siyang nanonood ng baoxing na pagkatagatagal napakaboboring naman!
Pagnanonood ako ng laban ni Manny, nanginginig yung mga kalamnan ko sa excitement nung laban at sa kaba na baka matalo siya. Gusto ko yung style nya sa laro, magalaw, mabilis, malakas, at cool yung itsura nya pag nakikipagsuntukan na siya. As in lagi akong napapasigaw ng ‘Sige! Wag mo tigilan! Paduguin mo pa mukha!’
Sa laban lang na ito ko napansin siyang ngumiti after nung laban (as in yung kakaring lang nung bell pagtapos nung 12th round). Ngumiti rin siya nung nakaupo sila sa corner nila after nung isang round. Nakakatuwa kasi siya lang ang boksingerong nakikita kong ngumingiti sa ring (although hindi during ng laban), lahat sila seryoso, mayayabang at matataas ang tingin sa sarili. Nakita ko na mababa ang loob ni Pacquiao dahil dun, di siya tulad nung mexicano na natumba na nga eh nangangarap pa manalo (maluho ka na nun uy!). Kahit na napatumba na ni Pacquiao isang beses (at d lang basta tumba, super tumba!) yung kalaban at ilang beses na niyang hinilo eh nagdududa pa rin siya na mananalo siya.
Bilib talaga ako sa kanya, sana bago pa siya makatikim ng dire-diretsong talo habang tumatanda siya at humihina ay magretire na siya. Para di siya umalis ng luhaan at dignity intact sa napakaganda nyang boxing career.
P.S
Kakainis yung mga commentor sa Setanta Sports Channel! Halatang Anti-Manny eh! Pagkatapos nung laban at sila na pinakita kala mo mga namatayan!












Sobrang exciting ang laban kagabi ( nag PPV kami) ! Mas excited nga ang mga girls sa laban. Talo pa nila ang nasa ring side sa lakas ng sigaw. But it was one great fight and it united the country for a few hours. Mababa ang crime rate, walang bakbakan sa bundok, atbp.
Kahit ako napapasigaw eh, nakakaexcite talaga ang mga laban ni Pacquiao. Wala siyang laban na hindi ako napasigaw.
Hi Ms. Landlord- I saw his (Pacquiao) fight and truly it is an exciting fight. Both had the eagerness to win!…lamang lang si Pacman ng 1 point. Other boxing and sport analyst says that the fight would come to a “Draw”…and mas favor yong iba na si Marquez ang panalo…hay, full of controversy..but for a record…It’s great to know that we’re be known world class on boxing. Pacman made the Filipino proud…again!…Congrats to him…
P.S. Thank you for dropping on my site…by the way..I think nasobrahan ng “L” ang “smilling” or is it the way to spell?, i’m keen observer,hope you don’t mind,naks!…Thanks!
Sigurado ako panalo ni Pacquiao yung laban. Dahil una, napatumba nya si Marquez. Pangalawa mas maraming beses nya nahilo si Marquez kesa sa nahilo siya ni Marquez.
Oo nga nho, dalawa yung L. Hahahahaha! Typographical error. Sorry. Sensya na. Tama kasi akong i-go thruough ulit yung post ko para magcheck ng typo. Tignan mo din yung iba kong post baka may Typo din, pwede kang editor ha! hehehehe!
hehe. oo nga. naka smile lagi si pacman, eh noh?
Oh diba? Siya lang nakita kong boksingerong ngumingiti sa loob ng ring (pero hindi habang lumalaban ha).
Nakakatuwa nga si Manny laging nakasmile sa laban nya, isang factor para habulin ng chix hahaha! Nice blog btw. Keep it up!
Thanks so much for the comment! Ikaw ang kaunaunahang bumati sa blog ko ng ganyan, I’m so touched talaga…
Salamat!
hi, don’t say sorry…maybe I am the one who first noticed it…toinkz! You also wondered why he is smiling during his fight? I’m just wondering too, is it Out of competence?or lack of Self-efficacy? He maybe have his determination to won ‘coz lots of people expects him to win, and if the fight was gone in a fair and honest decision, I think Marquez and his allies will not be able say its unfair for them. Well, that makes a proof that whatever the reasons Manny was smiling, one thing is for sure…He makes the Filipino proud and initaas na naman niya ang ating bandila…harharharhar